Interpretasyon ng Good Conduct Time Allowance, dapat dalhin sa Korte Suprema

Iginiit ni Justice Secretary Menardo Guevarra na dalhin dapat sa Korte Suprema ang problema sa interpretasyon ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.

Ayon kay Guevarra, sa dating interpretasyon ng batas, lahat ay posibleng makinabang sa GACTA anuman ang krimen.

Pero dahil sa pagtutol ng publiko masusi nilang pinag-aralan ang batas at ang kanilang konklusyon, hindi dapat kasama ang mga may karumal-dumal na krimen.


Sinabi nina Sen. Panfilo Lacson at Senate Pres. Tito Sotto III, pwede pang kwestyunin sa Korte Suprema ang desisyon ng Bureau of Corrections (BuCor) dahil labag ito sa awtoridad ng Secretary of Justice.

Hindi kasi dumaan kay Guevarra ang pagpapalay sa mga preso.

Para kay Sen. Ralph Recto, tagabilang lang ng GCTA ang BuCor.

Binigyang diin naman ni Sen. Franklin Drilon, na mayroong kautusan ang Korte Suprema na pwedeng ipa-aresto muli ang presong mali ang pagpapalaya dahil hindi pa tapos ang pagsisilbi nito sa kanyang hatol.

Gayumpaman, handa ang PNP na hanapin at arestuhin muli ang mga nakalayang bilanggo kahit Warrant of Arrest kapag ipinawalang bisa ng Korte ang kanilang paglaya.

Facebook Comments