Intertropical Convergence Zone, patuloy na makakaapekto sa bansa

Manila, Philippines – Isang Low-Pressure Area (LPA) ang namataan sa Surigao Del Sur.

Huling namataan ang LPA sa layong 625 kilometro ng silangan ng hinatuan, Surigao Del Sur.

Ito ay nakapaloob sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ) na nakakaapekto sa Palawan at Mindanao.


Kung walang lakad, mas mabuting manatili na muna sa kanilang bahay dahil sa isolated rain shower sa Caraga at Davao Region at SOCCSKSARGEN.

Sa mga papasyal naman sa Sand Dunes sa Ilocos ay magdala ng payong dahil sa pag-ulan bunsod ng amihan maging Sa Cagayan Valley, at Cordillera.

Magdala rin ng panangga sa ulan ang mga dadalaw na sa mga sementeryo sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ang isolated rain showers.

Nag-hello ang araw kaninang 5:51 ng umaga at lulubog mamayang 5:29 ng hapon.

Facebook Comments