Intertropical Convergence Zone, patuloy na umiiral sa katimugang bahagi ng Mindanao; LPA, namataan sa hilagang-silangan ng Guiuan Eastern Samar

Manila, Philippines – Patuloy na umiiral ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa katimugang bahagi ng Mindanao.

Habang mayroon namang Low Pressure Area (LPA) na huling namataan sa layong 985 kilometers, silangan, hilagang-silangan ng Guiuan Eastern Samar.

Malaki ang tyansa nito na maging isang ganap na bagyo at kapag nangyari nito ay tatawagin itong bagyong ‘Emong’.


Maliit naman ang posibilidad na maglandfall dahil tumatahak ito pa-hilaga kanluran.

Asahan ang maulang panahon sa Mindanao partikular sa caraga at Davao Region.

May mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa halos buong Visayas.

Sa Luzon kasama ang Metro Manila, may isolated thunderstorm sa hapon o gabi.

Agwat ng temperatura sa Metro Manila mula 26 hanggang 33 degrees celsius.

Sunrise: 5:30 am
Sunset: 6:29 pm

Facebook Comments