Interzonal travel, hihigpitan dahil sa Delta variant – DILG

Maaaring higpitan ang interzonal travel ngayong banta ang Delta variant ng COVID-19 sa Pilipinas.

Matatandaang sinabi ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ang COVID-19 vaccination card o certificate of quarantine completion ay maaaring gamiting alternatibo sa testing requirement para makapasok sa iba’t ibang lugar na may magkakaibang quarantine levels.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Epimaco Densing III, magkakaroon ng dayalogo sa mga local officials, pero iniiwasan nila na magpatupad pa ng lockdown sa alinmang lalawigan o siyudad.


“Medyo sigurado po na magkakaroon ng higpitan ngayon at base po ito sa direktiba ng ating Pangulo kagabi,” sabi ni Densing.

Pagtitiyak ni Densing na walang malawakang restrictions ang ipapatupad sa ngayon hanggang sa magkaroon ng pag-uusap sa mga lokal na pamahalaan.

Matatandaang nanawagan ang OCTA Research Group na magkaroon ng ‘bubble’ sa NCR plus para maiwasan ang local transmission ng Delta variant.

Facebook Comments