Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang interzonal travel ng mga fully vaccinated individuals, kabilang ang mga senior citizens, alinsunod sa Anti-COVID-19 guidelines.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, pinapayagan na ang pagbiyahe sa mga fully vaccinated individuals basta nasusunod ang mga ilang alituntunin:
1. May maipiprisentang COVID-19 vaccination card na inisyu sa pamamagitan ng lehitimong vaccinating establishments
2. Certificate of quarantine completion kung saan ipinapakita ang vaccination status na inisyu ng Bureau of Quarantine
Ang pagpapakita ng isa sa dalawang nabanggit na proof of validation ay magiging sapat na alternatibo sa anumang testing requirement na ire-require ng local government units (LGUs).
Ang mga biyahero ay kailangang sumailalim sa health and exposure screening sa kanilang arrival.
Samantala, ang intrazonal movement ng fully vaccinated senior citizens sa loob ng General Community Quarantine (GCQ) at Modified General Community Quarnatine (MGCQ) ay papayagan.