Pope Francis, dinala sa isang ospital sa Roma para sa naka-schedule na operasyon

Dinala sa Gemelli Policlinic sa Rome si Pope Francis kahapon para sa nakatakdang operasyon nito na may kinalaman sa colon.

Matapos ang pagsasagawa ng Angelus sa St. Peter’s Square ay agad na tumungo si Pope Francis sa Casa Santa Marta.

Kinumpirma naman ni Matteo Bruni, Director ng Holy See Press Office ang impormasyon kung saan sinabi nito na sasailalim sa operasyon para sa symptomatic diverticular stenosis ng colon ang Papa.


Gagawin ni Prof. Sergio Alfieri ang operasyon sa siyang head ng Department of Medical and Surgical Sciences at ng Digestive Surgery Complex Operational Unit ng nasabing ospital.

Agad namang magpapalabas ng panibagong medical bulletin kapag natapos na ang operasyon.

Facebook Comments