Intsik na nangongotong sa kapwa Chinese national, huli sa Maynila

Kalaboso ang isang Chinese national matapos mangotong sa Filipino-Chinese na negosyante sa Maynila.

Hinuli ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) si Qin Hai matapos tanggapin ang marked money mula sa isang pulis na nagpanggap na empleyado ng isang liquor store sa Binondo.

Ayon sa biktima, Oktubre 2018 nang ipaabot ni hai sa kaniyang tauhan ang dala nitong kahon at sinabi na maghanda siya ng ₱500,000.


Aniya, nang buksan na ng kaniyang tauhan ang kahon, nakitang granada ang laman nito,

Ilang buwan ang nakalipas, hindi nagparamdam ang suspek sa biktima.

Pero muli itong pumunta sa tindahan para ipasabi sa negosyante na kukuhanin na niya ang hinihinging pera.

Depensa naman ng suspek, napag-utusan lamang siya.

Kinasuhan ang suspek ng grave threat at robbery extortion.

Facebook Comments