Isang Dalaga, Arestado sa Pagtutulak ng Droga!

*Aurora, Isabela**- *Arestado ng mga otoridad ang isang babae matapos matiklo sa pagtutulak ng ipinagbabawal na gamot bandang alas dos y medya kaninang madaling araw sa Brgy. San Pedro San Pablo, Aurora, Isabela.

Kinilala ang naaresto na si Laira Atenta, 19 anyos, tubong Brgy. Baan River Side Butuan City na nanunuluyan sa isang KTV Bar sa District 1, San Manuel,Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, naaresto si Atenta matapos makapagbenta ng shabu sa poseur buyer sa isinagawang Drug Buy Bust Operation ng mga otoridad.


Nakumpiska mula sa suspek ang isang small heat sealed transparent sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, limang daang piso na ginamit bilang buy bust money, isang unit ng cellphone at isang small thin can.

Dinala na sa himpilan ng PNP Aurora ang suspek maging ang mga nakumpiskang item para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments