Gustong ipa-deport ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang isang Chinese national matapos mahuling umiihi sa pampublikong lugar at manakit ng barangay tanod sa Binondo nitong Sabado ng gabi.
Nitong Lunes, sinabi ni Moreno na sinita ng tanod ang Intsik dahil sa ginawang pag-ihi sa pader. Imbes na makinig at humingi ng tawad, nagalit at binanatan ng salarin ang tauhan ng barangay.
Nakarating sa alkalde ang ulat matapos ireklamo mismo ng kapitan ng barangay ang nasabing banyaga.
“Foreigners it is immaterial what country you come from. If you go to Manila, follow simple rules. And I think that is a generally accepted rule that you don’t pee in the streets,” paalala ni Moreno.
Binalaan nitong aarestuhin ang sinuman dayuhang lalabag sa kanilang batas o ordinansa.
“If you hit our enforcer, attempt to hurt our policemen because you are a superpower, you are not welcome in Manila,” dagdag pa niya.
Natakdang sumulat ang lokal na pamahalaan sa Bureau of Immigration para ipakumpirma kung foreign passport holder ang suspek na kasalukuyang nakakulong bago tuluyan pauuwiin ng Tsina at ipagbawal na makabalik ng babsa.