Inuman nauwi sa pananaksak sa magkapatid sa Pangasinan

Sugatan ang dalawang kalalakihan makaraang pagsasaksakin ito ng isang 21 anyos na lalaki sa Brgy. Poblacion West Bautista Pangasinan.
Kinilala ang suspek na si Robin Cayabyab na naksak sa magkaptid na kinilalang si Joel Ferrer, 32 anyos at si Richard Ferrer, 29 anyos.
Sa report ng otoridad bumalik sa inuman ang magkapatid at kinausap ang mga ito ng suspek at nagkaroon na ng pagtatalo sa pagitan ng mga ito.
Agad na kumuha ng patalim ang suspek at pinagsasak ang magkapatid. Nagtamo ng saksak si Joel sa kanang bahagi ng kaniyang braso at si Richard ay saksak sa likod.
Agad naming naisugod ang dalawa sa pagamutan at inaresto ang suspek. Hindi na narekober ang ginamit ni Cayabyab sa pananaksak. ###

Facebook Comments