Inuman ng Dalawang kalalakihan sa Luna, Isabela, Nauwi sa Saksakan!

Luna, Isabela- Sugatan ang dalawang kalalakihan matapos magsaksakan makaraang magtalo sa inuman sa barangay. San Miguel, Luna Isabela.

Kinilala ang biktima na si Jomar Miranduque, 35 anyos, helper at residente ng Brgy. Macugay sa naturang bayan habang ang suspek naman ay kinilalang si Wilson Marcelo, 29 anyos, walang asawa at residente naman ng brgy. Macugay, Luna, Isabela.

Sa natanggap na impormasyon ng RMN Cauayan ay nag-inuman umano ang dalawa kasama ang isa pang Jayson Gumaru at makaraan ng kanilang inuman ay nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng mga ito.


Dagdag pa rito ay akmang aalis na umano ang biktima ng bigla nalamang bumunot ng kutsilyo si Marcelo at sinaksak sa likod na bahagi ng katawan si Miranduque na dahilan ng pagkabagsak nito.

Samantala, sinubukan pa umanong saksakin ng biktima ang suspek sa kanyang dibdib ngunit agad namang dumipensa si Miranduque at bumunot din ng kutsilyo at sinaksak sa mukha ang suspek.

Agad namang isinugod sa pagamutan ang dalawa habang ngayon ay kasalukuyan ng nagpapagaling.

Facebook Comments