Binatilyo, Nagbigti sa Umano’y Hindi Pagkakaunawaan sa Pagitan Nila ng Kanyang GF!

Aurora, Isabela- Nakabitin at natagpuang wala ng buhay ang isang binatilyo ng makita ito ng kanyang ina sa kanilang bahay matapos itong magpakamatay sa barangay Macatal, Aurora, Isabela.

Kinilala ang nasawi na si Reynaldo Matterig jr., 18 anyos, walang asawa, at residente sa naturang barangay.

Batay sa imbestigasyon ng kapulisan ay nakipag-inuman umano ang biktima sa bahay ng kanyang mga kaibigan at pagkatapos nito ay umuwi na umano ito sa kanilang bahay.


Ng matagpuan naman ito ng kanyang ina ay nakabitin na si Matterig at wala ng buhay habang ayon pa sa kanyang nanay na si Ginalyn ay tatlong beses na umano nitong tinangkang mag pakamatay.

Samantala, inihayag din ng ina ng nasawi na may hindi umano pagkakaintindihan sa pagitan ng kanyang anak at ng kanyang girlfriend na posible namang tinitignang anggulo ng pagpapakamatay nito.

Facebook Comments