Inuman sa lansangan sa lungsod ng San Juan, Pasig at Marikina, bawal – EPD

Pinaalalahanan ng Eastern Police District o EPD ang mga residente sa Mandaluyong, San Juan, Pasig at Marikina na bawal ang inuman sa lansangan.

Ayon kay EPD Director Chief Supt. Bernabe Balba, walang deklarasyon ang mga lokal na pamahalaan na sinususpendi nila ang ordinansang nagbabawal na mag-inuman sa kalye.

Aniya, pinapayagan lang ang mag-inuman sa kalye kung may permiso ng lokal na pamahalaan at ng pamunuan ng barangay bilang bahagi ng pagdiriwang ng Pasko.


Sabi pa ni Balba, kung mairereklamo at mapapatunayang nagdudulot ng gulo at panganib ang mga pagsasaya sa kalye maninita at manghuhuli ang mga pulis.

Facebook Comments