DILG Sec. Benhur Abalos, tuluyan nang ipinag-utos na tanggalan ng kapangyarihan o kontrol si Mayor Alice Guo na pangasiwaan ang mga pulis sa bayan ng Bamban

Kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos sa press briefing na ginanap sa Kampo Krame, na ibinaba na ang utos hinggil sa pagtanggal ng kapangyarihan o kontrol kay Mayor Alice Guo na pangasiwaan ang mga pulis sa bayan ng Bamban, Tarlac.

Kaakibat nito ay nabanggit ni Abalos na maaari nang makapagsampa ng kaukulang kaso kay Alice Guo anumang oras ngayong araw o bukas ang DILG matapos ang isinagawang imbestigasyon na isinumite sa Office of the Ombudsman.

Nilinaw naman ng kalihim na bumuo sila ng Special Task Force sapagkat wala umanong kakayahan ang DILG na isuspinde ang naturang alkalde hinggil sa pagkakasangkot nito sa sa operasyon ng POGO Hub sa Bamban, Tarlac.


Facebook Comments