Manila, Philippines – Nagsimula na ang panel interview ng Judicial and Bar Council o JBC sa mga aplikante para sa mababakanteng pwesto sa Supreme Court (SC).
Bunga ito ng nakatakdang pagreretiro sa August 8 ni Justice Presbitero Velasco Jr.
Anim ang aplikante na sumalang sa panel interview ng JBC.
Hinati sa dalawang parte ang panel interview kung saan ang unang batch ng mga aplikante ay sasalang hanggang alas dose ngayong tanghali.
Ang ikalawang batch naman ay sasalang mamayang alas-dos ng hapon hanggang alas-singko ng hapon.
Kabilang sa mga aplikante sina Court of Appeals Associate Justices Oscar Badelles, Manuel Barrios, Ramon Garcia, Amy Lazaro-Javier, Davao regional trial court judge Carlos Espero II, at dating Ateneo School of Law dean Cesar Villanueva.
Kasama din sa mga aplikante si Supreme Court Administrator Midas Marquez, pero hindi na siya sasalang sa panel interview ngayon dahil ikinokonsiderang valid pa rin ang nauna niyang pagsalang sa JBC interview.