INUNGKAT | AJ Andres Reyes Jr., piniga sa JBC public interview

Manila, Philippines – Inungkat ni JBC Ex-office member Sen. Richard Gordon sa pagsalang sa public interview ni Associate Justice Andres Reyes, Jr. ang hinggil sa posisyon ng Korte Suprema sa naging pahayag ni Pangulong Duterte na ayaw niyang maging successor si Vice President Leni Robredo sakaling bumaba siya sa pwesto.

Ayon naman kay Reyes, ang Korte Suprema ay sentro ng demokrasya at obligado ang Supreme Court na tumalima sa isinasaad ng Konstitusyon.

Aminado rin si Reyes na dapat magsilbing babala sa kanila ang naging kapalaran nina dating Chief Justices Renato Corona at Maria Lourdes Sereno na kapwa natanggal sa kanilang pwesto bilang punong mahistrado.


Samantala, sumalang na rin sa public interview ang ika-lima at huling aplikante sa chief justice post na si Davao del Norte Judge Virginia Tehano-Ang

Sa pagtatanong sa kanya ng JBC,naungkat ang kasong administratibo na kinakaharap ni Tehano-Ang.

Aminado rin si Tehano-Ang na hindi niya tiyak na siya ang pipiliin na punong mahistrado ng Pangulong Duterte ,na kanyang kababayan.

Facebook Comments