INUPAKAN | ‘Bayanihan’ federalism draft, pinuna ng dating mambabatas

Manila, Philippines – Pinuna ng dating mambabatas ang pinal na draft ng Consultative Committee (Con-Com) para sa itinutulak na pagbabago sa konstitusyon.

Sabi ni dating Bayan Muna Represenative Neri Colmenares, sa ilalim ng Con-Com, hindi kasamang bibilangin ang kasalukuyan at nakaraang termino ng mga opisyal gaya ng Pangulo sa term limits na itinakda ng bagong konstitusyon sakaling maaprubahan ito.

Kapag nagkataon, puwedeng-puwede pa aniya silang humirit ng dagdag na termino sa unang halalan sa ilalim ng bagong saligang batas sa Mayo 2022.


Sa ilalim ng panukalang bagong konstitusyon, magkakaroon ng 16 na federated regions, Bangsamoro, at Federated Region of Cordillera.

Isa lang ang boto para sa Pangulo at bise at na may apat na taong termino at puwedeng mahalal ulit.

May Senado pa rin pero tig-dalawa lang ang kinatawan kada federated region.

May Kamara pero kakaunti ang puwedeng maging party-list representatives.

May term limits ang AFP Chief, PNP Chief at commandant ng Coast Guard.

Facebook Comments