INUPAKAN | Labor group umalma sa banta ng grupo ng negosyante sa malawakang tanggalan dahil sa wage hike

Manila, Philippines — Inupakan ng Kilusang Mayo Uno si Philippine Chamber of Commerce and Industry Chairman Sergio Luis-Ortiz Jr.

Ito ay kasunod ng ginawang pagsangkalan ng PCCI sa mga small and medium enterprises para takutin ang mga manggagawa na magreresulta sa malawakang tanggalan ang hinihinging P750 national wage increase.
Hinamon ni Elmer Labog, Chairperson ng KMU si Ortiz at si Labor Secretary Silvestre Bello III na magdebate sa naturang isyu. Aniya, may sapat na kapasidad para magtaas pasahod ang mga multinational companies at conglomerates sa bansa. Maliit aniya ito na sakripisyo sa isang ekstraordinaryong panahon na nagsisipagtaasan ang presyo ng bilihin at serbisyo.
Batay sa pagtaya ng Independent Think tank na IBON, sa National Capital Region pa lamang, may 20 corporations ang may combined profit na abot ng P903 billion.

14.6% lamang aniya sa tubong ito ang mawawala kung maibigay ang hirit nila na P750 ang national minimum wage . Idinahdag ni Labog na dapat ay magkaroon ng bahagi ang mga amo sa sinasalo ng mga maliliit na manggagawa na mataas na pasahe at presyo ng pangunahing bilihin .


Facebook Comments