Investigating team na mag-iimbestiga sa nangyaring pananaksak sa Central Park Condo, pinangalanan na ng SPD

Manila, Philippines – Pinangalanan na ng Southern Police District (SPD) ang komposisyon ng binuo nilang Station Special Investigation Team (SSIT) Central Park.

Ito ang lupon na mag-iimbestiga sa nangyaring stabbing incident sa Central Park Condominium noong August 29 kung saan 6 ang namatay kasama ang suspek na si Alberto Garan habang 5 naman ang sugatan.

Tatayo bilang pinuno ng nasabing Special Investigation Team si PSSupt. Dionisio Bartolme, habang magsislbi namang Asst. SSIT Cmdr. ay si PSupt. Deanry Francisco, legal officer si PSup.t Almel Mangandog habang team leader naman si PSInsp. Allan Abaquita.


Magsisilbi namang mga imbestigador sina: SP04 Allan Valdez, SP02 Joel Landicho, SP02 Ricardo Mallong Jr, SP02 Nestor Rubel, SP01 Lorene Osias at P03 Mario Golondrina.

Secretariat sina: P03 Alfredo Aquino, P03 John Bernal Barazza at P02 Elvin Olmedillo

At tatayo bilang resource persons sina: P02 Benito Alba, CIDG SPD, SPD Crime lab personnel, SOSIA, BPLO, Pasay City hall at Pasay City Engineering office.

Una nang sinabi ni National Capital Region Police Office Chief Director Oscar Albayalde na mayroong kapabayaan sa panig ng may-ari ng nasabing condominium.

Facebook Comments