INVESTMENT? | Mga polisiya ni PRRD patungkol sa kalikasan, isang investment sa hinaharap – ayon sa Malacañang

Manila, Philipines – Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na hindi puro numero o ekonomiya ang nagiging konsiderasyon ni Pangulong Duterte bago magpatupad ng mga polisiya nito sa bansa.

Ito ang sinabi ng Malacañang sa harap narin ng naging pahayg ni Socioeconomic Secretary Ernesto Pernia na ang ilan lamang sa mga dahilan ng pagbagal ng ekonomiya ng bansa sa 2nd quarter ng taon ay ang pagsasara ng Boracay island at ang paghihigpit ng pamahalaan sa mga mining companies.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, gagamitin ni Pangulong Duterte ang kanyang police powers para protektahan ang kalikasan at hindi aniya nagsisisi o hihingi ng paumanhin ang pangulo sa mga naging desisyon ng Pamahalaan.


Binigyang diin pa ni Roque na kung bababa pa ang GDP ng bansa dahil sa pagprotekra ni Pangulong Duterte sa kalikasan ay hahayan lang ito dahil nagiinvest ang Pamahalaan sa hinaharap at hindi lamang sa kasalukuyan.

Facebook Comments