Investment project ng Japan, inaasahang lilikha ng libu-libong trabaho – DTI

Kabuuang $1.24 bilyon na halaga ng investment at expansions ng existing projects ng mga Japanese company ang nakahanda na dumaloy sa ekonomiya ng Pilipinas sa malapit na hinaharap.

Ang mga investment na ito ay nasa larangan ng manufacturing, agriculture, retail, real estate, automotive, gayun din sa education,

Sinabi ni Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, ang expansion projects at mga bagong investments ay patunay na ang mga dayuhang kumpanya ay may matibay na pagtitiwala sa katatagan ng ekonomiya at business environment ng bansa sa ilalim ng administrasyon ng Duterte.


Ang mga bagong investment ay inaasahang lilikha ng labing anim na libong bagong trabaho sa bansa.

Sinabi pa ng kalihim, nais ng mga Japanese companies na  palaguin ang kanilang mga negosyo at pakikipagsosyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas maraming trabaho at pagkakataon para sa mga Pilipino.

Ang DTI at ng BOI ay aktibong nakikipagtulungan sa mga foreign investor, tulad ng mga Hapones, upang tulungan sila sa kanilang mga expansion projects at new business endeavors sa bansa.

Facebook Comments