Sinabi ni Regional Board of Invesment-RBOI-ARMM chairman Atty. Ishak V. Mastura na ang naturang forum ay makakatulong upang makapagbalangkas ng Business Sustainability Framework para sa Bangsamoro sa ARMM.
Ang core value nito ay “Brokering Business Investment in the Bangsamoro to Achieve Inclusive Development Growth” o (BRIDGe) Project, ayon naman kay Hineleban Foundation Inc. chairman and chief executive officer Urooj Malik.
Ipinunto ni Malik na ang pangunahing pakay ng proyekto ay upang makapagbigay suporta para sa capacitation ng economic cluster.
Ang RBOI and at ipa pang ahensya kabilang ang local government units (LGUs) ay magpapakita kung gaano kaepektibo ang pagtutulungan ng businesses, entrepreneurs at enterprises upang makamit ang sustainable operation at matugunan ang weak points sa operasyon ng business companies.
Ang BRIDGe Project ay binubuo ng RBOI, Philippine Business for Social Progress (PBSP) at Hineleban Foundation, Inc.
Investment Promotion Forum for the Bangsamoro, isinagawa ng RBOI-ARMM!
Facebook Comments