Manila, Philippines – Ibinida ngayon ng Palasyo ng Malacañangna lumalaki pa ang tiwala ng international community sa Pilipinas sa usapin ng pagnenegosyo.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, tumaas ang Foreign Direct Investment ng Pilipinas para sa 1st Quarter ng 2017.
30.6% aniya ang itinaas ng FDI ng Pilipinas na katumbas ng 1.6 Billion pesos.
Patunay lang aniya nito na patuloy na nagtitiwala ang mga investors sa Pilipinas lalo na sa ipinatutupad na economic policies ng Administrasyon.
Ang pagtaas aniya ng FDI ay sa larangan ng real estate, wholesale and retail trade, manufacturing, financial and insturange pati narin sa larangan ng information and communication.
Facebook Comments