Investors sa Taiwan, posibleng magpasok ng nasa 20.6-B investment sa Pilipinas

Posibleng makapagpasok ang investors sa Taiwan upang mamuhunan at maglaan ng pondo sa Pilipinas.

Ayon sa Philippine Economic Zone Authority (PEZA), nais magpasok ng iba’t ibang sektor na nais magnenegosyo sa bansa na nagkakahalaga ng 20.6 billion.

Ang investors umano ay interesadong pasukin ang manufacturing, food industry, at iba pang industriya.


Mayroong manufacturing company rin ang nangakong maglagak ng P681.84 million para naman sa extension nito sa Pilipinas.

Samantala, una nang nakibahagi ang PEZA sa iba’t ibang business-to-business (B2B) meetings kasama ang investors na unang nagpakita ng interest na mamuhunan sa Pilipinas.

Facebook Comments