Ion Perez, iginiit na hindi siya bading: Nagkataon lang na na-inlove ako sa bakla

2713
Image from "It's Showtime" | ABS-CBN Entertainment

Sinagot at nilinaw ni Ion Perez ang paratang at katanungan sa kaniya ng publiko hinggil sa relasyon nila ni Vice Ganda.

Sa panayam ng talent manager-showbiz writer na si Ogie Diaz, iginiit niyang hindi siya bakla.


“Hindi po. Sobrang straight po ako. Nagkataon lang na na-in love ako sa isang bakla,” saad ng binansagang ‘Kuya Escort’ sa variety show na “It’s Showtime”.

Ayon kay Perez, itinuturing niyang girlfriend ang ‘Unkabogable Star’.

Dagdag pa niya, wala na siyang sinusuyong babae dahil seryoso ang pag-ibig niya sa TV host-comedian.

“Dati, hindi ako naniniwala sa ‘forever,’ pero ngayon, nararamdaman ko na makakasama ko talaga siya nang matagal.”

Pag-amin ni Perez, napag-uusapan nila ang tungkol sa same-sex wedding pero hindi sila nagmamadali gawin ito.

“Basta nagkakaintindihan kami ngayon, nagmamahalan kami. Darating din po siguro ‘yung time na ‘yon, ‘yung magpapakasal.”

ION PEREZ, MARIING ITINANGGING PERA ANG HABOL KAY VICE GANDA

Sa isang bahagi ng interview, mariin niyang itinanggi na pineperahan niya si Vice Ganda.

“Hindi ko po kayang gawin yun sa kanya. Kasi kung ginawa ko po yun sa kanya, parang wala na rin akong pinagkaiba sa mga nakaraan na nanloko sa kanya,” tugon ni Perez.

Hamon niya sa mga kritiko, pakisamahan siya sa maghapon para malaman nila ang tunat niyang pagkatao.

Kung mapatunayan din ng bashers na masama ugali niya, handa siyang magpapaalila sa kanila “habambuhay”.

Noong Nobyembre 6, umamin si Vice Ganda sa harap ng madlang pipol na isang taon na silang magkasintahan ni Perez.

Facebook Comments

From Advertisers