IP COMMUNITY SA CAGAYAN, BINISITA PARA BIGYAN KAALAMAN SA HALALAN 2025

Cauayan City – Sanib-pwersa ang kasundaluhan ng 95th Infantry (Salaknib) Battalion (95IB) at COMELEC, upang magpaabot ng kamalayan sa karapatan sa pagboto sa mga Indigenous Peoples (IPs) ng Barangay Minanga, Penablanca, Cagayan.

Sa tulong ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA-2), nakipag-ugnayan ang mga awtoridad kay Barangay Captain Alvin Simangan upang maisagawa ang Voter Education at Automated Counting Machine (ACM) demonstrationna naglalayong matiyak na nauunawaan ng bawat botante ang kanilang mga karapatan, ang kahalagahan ng pagboto, at ang tamang proseso ng halalan, anuman ang kanilang pinagmulan o katayuan sa buhay.

Binigyang pagkakataon din ang mga miyembro ng IP community na aktwal na subukan ang ACM upang maging pamilyar sa paggamit nito sa araw ng halalan.


Samantala, hinimok ni Atty. Ederlino Tabilas, Regional Director ng COMELEC-2, ang sektor ng IP na gamitin ang kanilang karapatang bumoto. Binigyang-diin niya na sa panahon ng halalan, pantay-pantay ang lahat ng mamamayan at mahalaga ang bawat boto.

Facebook Comments