IPA-PLASTIC NA | Ibebentang bigas sa mga palengke at supermarket – nakaplastic na simula sa kalagitnaan ng 2019

51

Manila, Philippines – Nakalagay na sa mga plastic bag ang mga ibibentang bigas simula sa kalagitnaan ng 2019.

Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol – bahagi ito ng reporma na kanilang ginagawa para sa industriya ng bigas.

Aniya, magiging katulad daw nito ang mga bigas na ibinibenta sa mga supermarket.

Nauna nang sinabi ng kalihim na ang hakbang na ito para rin sa kalusugan ng mga consumer.

Posible namang gamitin na plastic bags para rito ang mga yari sa biodegradable materials katulad na lamang ng gawa sa cassava.

Facebook Comments