PUMALAG | Pagkakahalal ng Pilipinas sa UNHRC – idinepensa ng Malacañang

36

Manila, Philippines – Pumalag ang Malakanyang sa batikos ng Iceland at ibang human rights group sa pagkakahalal sa Pilipinas bilang miyembro ng United Nations Human Rights Council (UNHRC).

Sa isang panayam, sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel at Spokesman Salvador Panelo na patunay ito na kinikilala ng Pilipinas ang karapatang pantao at pamamaraan ng paglaban ng pamahalaan kontra sa iligal na droga.

Aniya, ginagawa naman ng pamahalaanang lahat para mapangalagaan at matiyak na hindi nalalabag ang karapatang pantao ng mga Pilipino.

Matatandaang tutol ang ilang human rights group sa pagbibigay ng pwesto sa pilipinas sa unhrc dahil sa umano ay mga human rights violations kaugnay ng war on drugs ng administrasyong Duterte.

Samantala, hindi pa matiyak ni Panelo kung magtatalaga ng bagong UN Ambassador ang Pilipinas matapos italaga ng Pangulo si Teddy Boy Locsin bilang bagong kalihim ng DFA kapalit ni outgoing Secretary Alan Peter Cayetano na tatakbong kongresista ng Taguig.

Facebook Comments