IPAALALA | Rules sa paghahain ng ITR, pinalilinaw sa publiko

Manila, Philippines – Hiniling ni House Committee on Banks and Financial Intermediaries Vice Chairman Henry Ong sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na linawin sa publiko ang paghahain ng Income Tax Return o ITR.

Ayon kay Ong, kailangang ipaalala ng BIR sa publiko na ang filing ng ITR ngayong taon ay hindi pa sakop ng tax exemption provision sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.

Ibig sabihin, ang P250,000 na annual income na tax exemption sa ilalim ng taxable year 2017 ay maghahain pa rin ng ITR.


Paliwanag nito, epektibo ang TRAIN sa bagong tax exemption sa taxable year 2018 pa na siyang dapat na linawin sa publiko.

Pinalilinaw din ni Ong ang deadline sa paghahain ng ITR ay hanggang April 15 na bumabagsak sa araw ng Linggo.

Para hindi malito ang publiko, dapat linawin ng BIR kung bukas ba ang tanggapan sa Linggo o iuurong ang deadline para sa paghahain ng ITR.

Facebook Comments