IPABABAWI | Pilipinas, may sapat na mga basehan para ipabawi sa China ang pagbibigay pangalan nito sa undersea feature ng Benham Rise

Manila, Philippines – Iginiit ngayon ni Committee on Science and Technology Chairman Senator Bam Aquino na malinaw at sapat ang mga basehan para hilingin natin na mapalang bisa o ipabawi sa China ang ginawa nitong pagbigigay ng pangalan sa limang undersea features ng Benham Rise.

Pahayag ito ni Aquino makaraang lumabasa pagdinig ng senado na maraming paglabag na ginawa ang China na humantong sa pagbibigay pangalan sa ilang bahagi ng Benham Rise.

Tinukoy sa pagdinig na ilang beses na ilegal na pumasok sa area ng Benham Rise ang Chinese Survey Ships kahit walang permit mula sa ating Gobyerno.


Paulit-ulit umanong nagsagawa ng ilegal na mga pananaliksik ang Institute of Oceanology Chinese Academy of Sciences.

Sabi naman sa hearing ni DFA Assistance Secretary Lourdes Yparraguirre, tinalakay na nila ito sa isinagawang bilateral consultation sa pagitan ng Pilipinas at China noong February 13.

Sa ngayon aniya ay ipinapatupad ng pamahalan ang mahigpit na pagbabawal sa lahat ng Marine Science Research sa Benham Rise ng walang pahintulot ng Pilipinas.

Ayon kay Yparraguirre, hindi naman dito tumutol ang China.

Facebook Comments