9 year old girl patay matapos mabundol ng motorsiklo

Patay ang isang siyam na taong gulang na batang babae, makaraang nabundol ng Kawasaki 1,000 CC sa National Highway ng Barangay Batulawan, Pikit, Cotabato. Kahapon 2:20 ng hapon.
Kaagad na Dinala sa Crusado Medical Hospital sa bayan ng pikit, dahil masilan ang sugat sa ibat-ibang katawan kabilang na ang ulo nito ay nai-forward agad sa Kidapawan city at dahil matindi ang sugat sa ulo nilipat kagabi sa CRMC sa cotabato city, hanggang sa pumanaw din kagabi sa nasabing pagamutan.
Kinilala ng traffic unit ng pikit pnp ang batang babae na si Bailisa Mampo Mangambit, 9 anyos, babae, studyante na residente ng barangay Dalingaoen, Pikit, Cotabato.
Habang kinilala naman ang driver ng motor na bumangga sa bata na si Bugenio Bola Soyao Jr. 37 anyos, na residente ng #32 Rosal Street, Cotabato City.
Nahuli ang Driver ng motor dahil hinabol ng naka duty na sundalo o Philippine Army sa area.(Radyoman Jessie Ali)

Facebook Comments