IPAGLABAN | Ilang kongresista, hinimok na ilaban ang mandato at pagiging independent body

Manila, Philippines – Pinakikilos ng ilang mga taga oposisyon ang Office of the Ombudsman na huwag hayaan ang Malacañang na gawin ang gusto at ilaban ang kanilang mandato na magsiwalat ng korapsyon sa pamahalaan.

Ito ay matapos suspendihin ng Office of the Executive Secretary si Overall Deputy Ombudsman Melchor Carandang kaugnay sa isinampang reklamo na Grave Misconduct at Grave Dishonesty sa paglalabas ng bank transactions ni Pangulong Duterte at ng pamilya nito.

Ayon kay Magdalo Rep. Gary Alejano, wala namang inilabas o ipinakalat na dokumento ng bank records si Carandang kaya walang basehan ang kasong isinampa laban dito.


Para kay Alejano, malinaw na intimidation ang ginagawa ng palasyo para magkaroon ng kontrol sa Ombudsman na isang independent body para mapagtakpan ang isyu sa Presidente at ng pamilya nito.

Sinabi naman ni ACT Teachers Rep. Antonio Tinio na nilalabag ng Malacañang ang Supreme Court ruling noong 2014 na hindi maaaring parusahan ng Pangulo ang Deputy Ombudsman.

Facebook Comments