IPAGPAPATULOY | Imbestigasyon sa naipuslit na 105 containers sa Port of Manila, itutuloy ng Kamara

Manila, Philippines – Ipagpapatuloy muli ng House Committee on Ways and Means ang imbestigasyon tungkol sa 105 containers na pinalusot sa port of Manila.

Naging kwestyunable ang release ng 105 containers matapos na isyuhan ng manual alert ni Customs Commissioner Isidro Lapeña ang mga containers sa halip na electronic alert system.

Base sa naunang imbestigasyon, gumamit ng pekeng dokumento para mai-release ang 105 containers na dumating sa bansa mula Enero hanggang Marso ngayong taon.


Tinitingnan ang posibilidad na may sabwatan na nangyari sa pagitan ng Asian Terminal Inc. na siyang nag-release ng mga containers na walang direktiba sa BOC, broker at ilang Customs personnel para maipuslit ang mga containers.

Tiniyak ni Cua na itutuloy ng kanyang komite ang imbestigasyon sa kwestyunableng mga containers at magtatakda lamang ng schedule para dito.

Aniya, naantala lamang ang pagdinig dito dahil naging abala ang Ways and Means Committee sa TRAIN 2.

Sa pagdinig ay aalamin kung ano ang nilalaman ng mga containers at kung magkano ang value nito.

Umabot umano sa P69 Million ang binayarang tax at duties sa 105 containers pero naniniwala ang BOC na undervalued ang idineklara na laman ng mga containers.

Facebook Comments