Manila, Philippines – Tuloy pa rin ang Public Attorney’s Office (PAO) ang pagsasagawa ng autopsy sa mga labi ng mga batang hinihinalang nasawi dahil sa Dengvaxia vaccine. Ito ang tugon ng PAO sa pahayag ni Dr. Scott Halstead, isang eksperto sa bakuna, na hindi puwedeng gamiting basehan ang awtopsiya para maiugnay sa Dengvaxia ang pagkamatay ng mga batang nabakunahan nito. Ayon kay Dr. Erwin Erfe, Director ng PAO Forencis Laboratory Services, limang bata pa ang nakatakda nilang isalang sa awtopsiya sa linggong ito. Dagdag aniya ito sa nauna nang 34 na labi na kanilang sinuri. Sinabi naman ni PAO Chief Atty. Persida Acosta na puspusan na ang paghahanda ng kaso sa mga responsable sa pagbabakuna sa 800,000 mga bata. <www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>
IPAGPAPATULOY | PAO, nanindigang itutuloy ang pagsasagawa ng awtopsiya sa labi ng mga batang nabakunahan ng Dengvaxia
Facebook Comments