Manila, Philippines – Nakatakdang magsuot ng kulay pulang t-shirt ang mga mahistrado at mga empleyado ng Supreme Court sa flag-raising ngayong araw.
Ito ay para ipakita ang kanilang pagsuporta sa 13 mahistrado na humirit na maghain ng indefinite leave si Chief Justice Maria Lourdes Sereno dahil sa kinakaharap nitong impeachment complaint sa kamara.
Ayon sa ulat, ang pagsusuot ng kulay pulang t shirt ay pagpapakita ng kanilang pagkadismaya sa pamumuno ni Sereno.
Una nang sinabi ni Oriental Mindoro Rep. Reynalo Umali, Chairman ng House Committee on Justice na pagbobotohan na ngayong Linggo kung may probable cause ang impeachment complaint kay Sereno.
Facebook Comments