IPAMAMANA | Baby Vika – tagapagmana raw ng aksesorya ni Jolina

Manila, Philippines – Bukas ay posibleng makalabas na ng ospital ang singer-actress na si Jolina Magdangal matapos na manganak sa second child nila ni Mark Escueta.

May 28 nang isilang ni Jolina si baby Vika anaya na tinawag pa ng aktres na “tagapag-mana ng kanyang mga aksesorya”.

Sa unang larawang ibinahagi ni Jolina sa Instagram, makikta sa damit ni baby Vika ang isang butterfly hair clip na fashion heyday at nagpasikat sa aktres noong 90’s.


Say ni Jolina, plano raw talaga nila na lagyan ng butterfly accessories si baby Vika oras na ipakita nila ang larawan nito sa publiko.

Samantala, kahit ramdam pa ang sakit mula sa kanyang c-section stitch, nagsimula na ring mag-breastfeed si Jolina kay baby Vika.

Facebook Comments