ORG-ARMM, tatalima sa Data Privacy Act!

Sa pamamagitan ng Information and Communication Technology Office (ICTO) ng ARMM ay isinailalim sa orientation kaugnay ng Republic Act 10173 o ang Data Privacy Act of 2012 ang mga miyembro ng Management Committee ng Office of the Regional Governor-ARMM.
Sinabi ni Engr. Abdelnur Campong, chief IT officer, ang regional government ay tutupad sa mga probisyon ng law and Data Protection kung saan itatalaga sa iba’t-ibang opisina ang Compliance Officer for Privacy upang makatulong na masiguro ang data privacy and security.
Sa ilalim ng R.A.10173 ay kinikilala ng estado ang mahalagang papel ng information and communications technology sa pagbuo ng nasyon at pangunahing obligasyon nito na siguraduhin na ang personal information, information and communications systems sa gobyerno at pribadong sektor ay ligtas at protektado.

Facebook Comments