IPAPABAWI | ₱10 minimum fare sa jeep, nais ipabawi

Manila, Philippines – Balak ipabawi ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), board member Aileen Lizada ang dagdag sa minimum na pasahe sa mga jeepney dahil sa serye ng mga bawas-presyo sa petrolyo.

Ayon kay Lizada, humingi na siya ng meeting sa mga kapwa board member para talakayin kung maaaring bawiin ang P2 taas-pasahe sa jeep na inaprubahan noong nakaraang buwan.

Una nang nag-anunsiyo ang ilang kompanya ng langis na magkakaroon ng bawas sa presyo ng kanilang mga produkto ngayong araw.


Nasa P2 ang bawas sa kada litro ng gasolina, P2.30 hanggang P2.50 sa kada litro ng diesel at P1.85 naman sa kada litro ng kerosene.

Ito na ang ika-limang sunod na linggong nagkaroon ng bawas-presyo sa petrolyo bunsod ng patuloy na pagbagsak ng presyo sa pandaigdigang merkado.

Facebook Comments