Manila, Philippines – Kumpyansa si Finance Committee Chairpeson Senator Loren Legarda na ngayong linggo, bago ang sine die adjournment, ay maipapasa ang panukalang nagtatakda ng supplemental budget para sa mga naturukan ng Dengvaxia.
Ayon kay Legarda, certified as urgent ang panukala at hinihintay na lang niya ang transmital mula sa kamara para mapag-isa ang kanilang mga bersyon.
Ang nabanggit na pondo ay bubuuin ng 1.161 billion pesos na refund mula sa sanofi.
Gugugulin ito para sa pangangailangang medikal mahigit ng 800,000 mga binigyan ng Dengvaxia.
Tiniyak din ni Legarda na babantayan niyang mabuti ang paggastos ng Dept. of Health sa nasabing salapi upang matiyak na hindi ito mahahaluan ng kahit na katiting na katiwalian.
Facebook Comments