Manila, Philippines – Maging ang Siargao Island sa Surigao ay nanganganib din ipasara ng pamahalaan partikular ang Department of Tourism (DOT), Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of Local Government (DILG) makaraang gawing tapunan ng basura ng mga residente ang nasabing isla.
Ayon kay DOT Sec. Wanda Tulfo-Teo, bukod sa basura, ay itinatapon din sa karagatan ang mga natitirang kerosene at diesel malapit naman sa mga Beaches sa Coron, Palawan.
Paliwanag ni Sec. Teo, tila bulag at bingi ang mga Lokal na opisyal sa nasabing mga probinsiya kaya ang National Goverment na ang umaksiyon dahil binabalahura ang ating mga Isla at karagatan.
Dagdag pa ng kalihim, ang pagbibigay ng anim na buwan na taning ng Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Lokal na opisyal at negosyante sa Boracay Island sa Aklan ay magsisilbi sanang ‘wake up call” para mahalin at pangalagaan ang ating likas na yaman.
Inihayag pa ni Sec. Teo, ang Administrasyong Duterte ay seryoso sa pangangalaga sa kalikasan at gawing World Class Tourist destinations ang ating bansa.