Manila, Philippines – Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na handa niyang ipasuri sa binuo niyang anti-corruption body ang kaniyang bank accounts.
Ayon sa Pangulo, binibigyan niya ng pahintulot ang mga miyembro ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na busisiin ang laman ng kanyang bangko.
Muli ring sinabi ng Pangulo na handa siyang magbitiw sa pwesto kapag napatunayan na higit sa P40 milyon ang kaniyang pera sa bangko.
Kasabay nito, pinayuhan ni Duterte ang kaniyang mga kritiko na huwag maghagilap ng ebidensiya mula sa kaniyang mga sinasabi.
Itinatag ang PACC sa bisa ng executive order 43 na ginawa noong October 2017.
Facebook Comments