Kinumpirma ni Manila Mayor Isko Moreno ang ikinakasang total lockdown sa Sampaloc, Manila dahil sa malaking bilang ng positibong kaso ng COVID-19.
Pero diin ni Mayor Isko, pinagpaplanuhan pang mabuti ng mga otoridad at Lokal na Pamahalaan ang nasabing lockdown kaya wala pang petsa kung kelan ito ipapatupad.
Umaabot na sa 445 ang kumpirmadong tinamaan ng COVID-19 sa Maynila.
98 sa mga ito ay nasa Sampaloc, kung saan 158 naman ang suspected o pinaghihinalaang kaso.
Kapag natuloy ang lockdown ay isasara ang mga kalye sa Sampaloc maliban sa Blumentritt, España Boulevard, Lacson Street, Dimasalang Street, CM Recto, Ramon Magsaysay Boulevard, Nicanor Reyes Street, at Legarda Street.
Facebook Comments