IPASA NA | Women’s Labor Group, muling nangalampag para sa pagpasa na ng panukalang Expanded Maternity Leave Bill

Manila, Philippines – Hiniling ngayon ng Women’s Labor Group sa mababang kapulungan ng kongreso na ipasa na ang panukalang Expanded Maternity Leave Bill o House Bill 4113.

Sinabi ni Bagong Henerasyon partylist representative Bernadette Herrera-Dy, Chairperson ng Women’s and Gender Equality Committee, umaasa ito na maipasa na sa third and final reading ang panukalang batas upang maipanhik na sa Bicam.

Una nang naipasa ng Senado ang kanilang bersyon ng kahalintulad na panukala noong Marso ng nakalipas na taon at maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay nagpakita na rin ng suporta ukol dito.


Sa panig naman ng Industrial Women-Philippines Vice Chair Shirly Vicoy-Yorong, ang kasalukuyang 60 araw para aa normal delivery at 78 araw para sa Ceasarian Delivery ay hindi nakakasunod sa ILO Convention 183 o Maternity Protection Convention.
Ang Pilipinas din ang may pinakamababang bilang ng araw ng Maternity Leave sa Asia kumpara sa mga bansa ng Myanmar, Laos, Singapore at Vietnam.

Nabigo din ang Pilipinas na magbigay ng MDG Commitment upang bawasan ang Maternal Deaths sa 52 sa bawat 100,000 Live Births noong 2015.

Facebook Comments