Nagkaroon ng courtesy visit ang alkalde ng Dagupan City kasama ang team mula sa Center for Health Development 1-Department of Health.
Nagkaroon ng site validation ang grupo para sa proposed construction ng bagong barangay health stations sa ilang barangay sa lungsod.
Ilan sa mga barangay na ito ay Barangay Pugaro, Lucao and Bonuan Boquig.
Tinalakay din ang proposal ni Cong. Christopher De Venecia tungkol sa pagbili ng sea ambulance para sa Pugaro at land ambulance naman para sa City Health Office na inaasahang pinopondohan.
Ayon sa suhestiyon ng alkalde ng lungsod, dahil may existing health station na sa Bonuan area na ipinatayo ngunit hindi naman ginamit ay mas makabubuting sa Barangay Malued na lang ipatayo dahil sa strategic location nito. |ifmnews
Facebook Comments