Dalawang Mega Job Fair, gaganapin ngayong araw katuwang ang DZXL 558 Radyo Trabaho

Maghanda ng maraming kopya ng resume dahil dalawang Mega Job Fair ang maari ninyong puntahan ngayong araw katuwang dito ang DZXL 558 Radyo Trabaho.

Una rito ang Mega Job Fair ng Public Employment Service Office (PESO) Pasig City sa Sports Complex, Caruncho Avenue simula 9:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon.

Sa interview ng DZXL usapang trabaho kay PESO Pasig City Manager Jelene Sison-Lopez, nasa 60 kumpanya ang makikiisa sa Mega Job Fair at may alok itong 4,592 jobs hindi lang sa mga Pasigeño kun’di bukas ito sa iba pang aplikante mula sa ibang lungsod.


Mayroon ding one-stop-shop para sa mga first time job seekers tulad ng SSS, PhilHealth, Pag-ibig, BIR at libreng pagkuha ng Police Clearance.

Ayon sa interview ng DZXL Radyo Trabaho kay Maria Rosario Magboo, Division Head ng Muntinlupa City PESO, sinabi niyang kasado na rin ang kanilang 4th quarter Mega Job Fair trabaho para sa Muntilupeño.

Aniya, nasa 80 kumpanya ang kalahok dito kung saan higit 4,000 ang job openings.

Kabilang naman sa maaaring pasukan ay mula sa bank industry, retail, logistics, engineering, IT, BPO kasama rin ang food and hotel restaurant industry.

Kaya mag-apply na mamayang alas-9:00 sa Waltermart Mall, West Service Road, Sucat.

Ang DZXL 558 Radyo Trabaho ay official radio partner ng PESO Pasig at Muntinlupa City.

Facebook Comments