IPHO Maguindanao at 6th ID nagsagawa ng Blood Letting Activity sa Datu Unsay

Pinangunahan ng IPHO Maguindanao ang isinagawang blood letting activity sa Hill 150 sa Brgy. Meta Datu Unsay Maguindanao.

Ang aktibidad ay bilang pakikiisa ng Maguindanao Health Office sa inoobserbahang Blood Donors Month ayon pakay IPHO Maguindanao Dr. Tahir Sulaik sa naging panayam ng DXMY RMN Cotabato.

Nilahukan naman ito ng mga kasundaluhan mula 6th Infantry Division na kinabibilangan ng 38th Infantry Batallion at 3 LACT (S).Sinasabing target ng aktibidad na makalikom ng higit 200 bags ng dugo.


Pinasasalamatan naman ni Dr. Sulaik sina Cpt. Maragarito Lantaya, Commanding Officer ng Delta Company ng 38th IB at si Cpt. Louie Male ng 3 Ligth Armor Cavalry ng 1st Mechanized Brigade sa agarang pagtugon sa kanilang kahilingan na maging bahagi ng aktibidad.

Bukod sa maaring maging malaking tulong ang ibinahaging dugo ng mga myembro ng kasundaluhan sa mga sibilyang mangangailangan ng tulong sa mga susunod na mga araw, malaking tulong rin ito sa mga donors na mapabuti ang kanilang mga kalusugan dagdag ni Dr. Sulaik.

Samantala inaasahang masusundan pa ang Blood Letting Activity sa iba pang mga lugar sa lalawigan dagdag pa ni Dr. Sulaik.

Facebook Comments