Makalipas ang limang buwan, 100% nang natapos ang pagtatayo ng Passenger Terminal Building ng Ipil Airport sa Zamboanga Sibugay.
Nabatid na sinimulan lamang noong Hunyo 2018 ang konstruksyon ng nasabing Passenger Terminal Building at natapos din agad noong Nobyembre 2018.
Dati ay walang direct flights patungo sa lalawigan ng Zamboanga Sibugay dahil walang paliparan dito at halos tatlong oras pa ang kailangang bunuuin sa daan ng mga biyahero mula Zamboanga International Airport sa Zamboanga City upang makarating sa Zamboanga Sibugay.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr) tapos na rin ang widening at extension project ng runway ng Ipil Airport.
Oras na pasinayaan ang Ipil Airport, magsisilbi na itong pangunahing “gateway” sa Zamboanga Sibugay at magbibigay ng karagdagang connectivity sa mga kababayan nating Zamboangueño.