Manila, Philippines – Ipinaalala ni Senador Kiko Pangilinan sa mga tagapagpatupad ng batas, na hindi krimen ang tumambay o magpakalat-kalat sa lansangan.
Reaksyon ito ni Pangilinan sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sitahin at arestuhin kung papalag ang mga tambay sa bansa.
Diin ni Pangilinan, malinaw sa umiiral na Republic Act 10158 na hindi na krimen ang vagrancy o paglipana sa mga kalye.
Bunsod nito ay iginiit ni Pangilinan sa mga pulis, sundalo, at lahat ng uniformed personnel ng pamahalaan na alamin at ipatupad nang tama ang batas.
Facebook Comments