IPINABIBIGAY | Nakumpiskang bigas ng Customs, ipina-dodonate sa mga nasalanta ng kalamidad

Ipinado-donate ni House Ways and Means Committee Chairman Dakila Cua sa Department of Social Welfare and Development ang 2,500 tons na bigas na nakumpiska ng Bureau of Customs sa Manila International Container Port (MICP).

Ayon kay Cua, sumulat na siya kay Customs Commissioner Isidro Lapeña para hilingin na ibigay na donasyon ang mga bigas na nakuha ng Customs.

Katwiran ni Cua, ito ay alinsunod naman sa Customs Modernization and Tariff Act na kung saan itinatadhana ng batas na maaaring i-donate sa ibang ahensya ang mga nakumpiskang produkto.


Napapanahon din aniya ang kanyang request dahil sa mga nakalipas na araw ay dinaanan ng kalamidad at sunud-sunod na pag-ulan lalo na ang Metro Manila.

Sa tala ng NDRRMC, umabot ng anim na raang lugar sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang binaha at sinalanta kung saan halos 350,000 na pamilya ang apektado

Facebook Comments