Matataas na kalibre ng mga baril at mga bala ang narekober ng tropa ng 102nd Infantry Battalion matapos ang kanilang engkwentro sa mga miyembro ng Komiteng Larangan Guerilla North Abra sa Barangay Maragat, Kabugao, Apayao nitong Martes, Disyembre 6, 2022.
Bukod sa mga baril at bala, may narekober din ang kasundaluhan na mga subersibong dokumento sa lugar.
Una rito, nakatanggap ang mga sundalo ng impormasyon mula sa mga residente na may mga teroristang grupo sa lugar kung kaya’t agad silang nagsagawa ng combat operations.
Patuloy ang isinagawang operasyon ng mga kasundaluhan katuwang ang mga lokal na residente sa pagtugis sa mga nakatakas na rebelde.
Matatandaan na naglabas din si Governor Elias Bulut ng Executive Order na magbibigay pabuya sa sinong mang makakaaresto, o patay sa mga leader/miyembro ng mga teroristang grupo.
Facebook Comments